^

Police Metro

13 ‘gun-for-hire’ utas sa shootout

Ricky T. Tulipat at Michelle Zoleta - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Utas ang 13 hinihina­lang ‘gun-for-hire’ maka­raang makipagbarilan sa mga tauhan ng militar at Philippine National Police (PNP) sa isang inilatag na checkpoint sa kahabaan ng Maharlika highway boundary ng Plaridel at bayan ng Atimonan sa Quezon province, kaha­pon ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat ng militar, ganap na alas-3:30 ng hapon nang mangyari ang putukan sa isang checkpoint sa Barangay Ta­nauan, Atimonan.

Ayon sa report, sakay ng dalawang Sports Uti­lity Vehicle (SUVs) ang mga suspek at pinapahinto sa checkpoint, sa halip na sumunod ay humarurot ang mga ito saka pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at sundalo at nag­karoon ng habulan hang­gang sa masukol ang mga suspek pero hindi pa rin sumusuko na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Isang opisyal ng PNP na kinilalang si P/Supt. Hansel M. Marantan ang sugatan sa naganap na shoot­out na ngayon ay ginagamot sa Lucena City Hospital dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.

Sinasabing nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na isang malaking sindikato mula Bicol ang magdaraan sa nasabing lugar na sakay ng SUVs  kung kaya agad na isinagawa ang checkpoint.

Nang maispatan ang nasabing SUVs ay pinara ito pero sa halip na huminto ay agad na nagpaputok ang mga sakay ng nasabing sasakyan.

 

ATIMONAN

AYON

BARANGAY TA

HANSEL M

LUCENA CITY HOSPITAL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SPORTS UTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with