^

Police Metro

Mister ‘di nag-intrega ng suweldo... tinalakan ni misis, nagbigti

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos sermunan at talakan ni mi­sis dahil sa hindi nito pag-iintrega ng kanyang suweldo, kaya nagbigti ang isang mister sa loob ng  kanilang kuwarto sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Tinatayang nasa tatlong oras ng patay bago nadiskubre ang biktimang si Renato Luna, 35, ng  #856 Area A, Parola Compound, Gate 3, Tondo,  May­nila.

Ayon kay PO3  Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:10 ng umaga nang makitang nakabitin at walang buhay  ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto.

Hindi umano agad napansin ng misis nitong si Catherine, 30, ang gina­wang pagpapakamatay ng kanyang mister dahil abala siyang tapusin ang kanilang  labada.

Bago ang pagbibigti, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang magtalo umano ang mag-asawa dahil hinanap ni misis ang suweldo ng kanyang mister dahil wala itong inin­trega.

Nadagdagan pa umano ang galit ni Catherine sa kanyang mister nang buweltahan ng tanong ng biktima na “bakit nagdududa ka ba sa akin?”

Dahil doon ay hindi umano napigil ang pagbubunganga ni Catherine kaya minabuti ng kanyang mister na umiwas at nagtungo sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay at uminom ng serbesa.

Matapos uminom ay umuwi ang biktima at nagkulong sa kanilang ku­warto habang si Cathe­rine ay ipinagpatuloy ang paglalabada ng kanilang damit.

Ganap na alas-8:10 ng umaga nang puntahan ni Catherine ang kanyang mister sa kanilang kuwarto ngunit tumambad sa kanya ang nakabiting biktima sa kanilang kisame gamit ang isang nylon cord at wala nang buhay.

vuukle comment

AREA A

AYON

DAHIL

JONATHAN BAUTISTA

KANILANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MATAPOS

PAROLA COMPOUND

RENATO LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with