^

Police Metro

2 parak, 1 sundalo nagpaputok ng baril noong Bagong Taon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabuuang 18 kataong nasakote mula Dis­yem­bre 16, 2012 hanggang Enero 1, 2013 sa ka­song indiscriminate firing o pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon ay lumilitaw na dalawa ay pulis at isang sundalo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na ang da­lawang pasaway na pulis ay nanganganib na masibak sa serbisyo at sumasailalim na ang mga ito sa pre-charge eva­luation na bahagi ng proseso sa summary dis­missal.

Tumanggi muna si Purisima na tukuyin ang pagkakakilanlan ng dalawang pulis na ang isa ay mula sa Region 1 at isa naman ay sa Region 6.

Samantalang ang sundalo ay miyembro naman ng Philippine Army na nakatalaga sa Pangasi­nan.

Ayon naman kay AFP Deputy for Public Affairs Office Major Emmanuel Garcia, na wala silang report na may sundalong nasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon subalit, ipinabeberipika na ng liderato ng AFP ang ulat.

 

 

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ENERO

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE MAJOR EMMANUEL GARCIA

PURISIMA

SAMANTALANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with