^

Police Metro

Senado rerebyuhin ang mga ordinansa at panukala sa paputok

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pagbabalik ng ses­yon ay tiniyak kahapon ni Senator Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na ire-review ng kaniyang komite ang lahat ng mga ordinansa ng mga lokal na gobyerno at mga panukalang batas na naglalayong i-ban na ang paggamit ng paputok sa bansa.

Kabilang sa titingnan ng komite ni Honasan ang panukala nina Senators Miriam Defensor-Santiago at Manny Villar na i-re­gu­late ang pag­gamit ng pa­putok sa bansa upang maiwasan ang napakara­ming nadi-disgrasya tuwing sumasapit ang Bagong Taon.

Inihalimbawa ni Ho­na­san ang mga pro­binsiya ng Davao at Ormoc kung saan ipinagba­bawal na ang paggamit ng paputok.

“Balak (ko) talaga mag conduct ng hearing to see if it will require a national law.. like Davao and Ormoc,”ani Honasan.

Titingnan ng komite ni Honasan kung kina­kaila­ngan pang magpasa ng isang national law para ipa­tupad sa buong bansa.

 Matatandaan na sa ka­bila ng kampanya ng Department of Health laban sa paggamit ng pa­putok marami pa rin ang mga na­ging biktima sa pag­pasok ng 2013.

BAGONG TAON

BALAK

DAVAO AND ORMOC

DEPARTMENT OF HEALTH

HONASAN

MANNY VILLAR

SENATE COMMITTEE

SENATOR GREGORIO HONASAN

SENATORS MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with