^

Police Metro

106 katao sa Davao City arestado sa pagpapaputok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 106 katao (49 matanda at 57 menor de edad) sa Davao City ang sa kulu­ngan sumalubong ng Bagong Taon nang ares­tuhin matapos na maaktuhang nagpapaputok ng firecrackers at pyrotechnics kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Davao City Police Director Sr. Supt. Roland dela Rosa ang pag-aresto sa nasabing mga tao ay alinsunod ng ‘total ban’ ng mga paputok sa lungsod.

Nabatid na mula alas-5:00 ng hapon kamakalawa hanggang bago ang pagsalubong sa pagpapalit ng taon ay naaresto ang mga suspek dahil sa pag­labag sa ordinansa ng lungsod na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok.

Nabatid na nasa 500 nakasibilyang mga pulis ang ipinakalat ng Davao City Police upang hulihin ang mga pasaway na residente ng lungsod na magpapaputok ng anumang uri ng mga firecrackers at gayundin ang gagamit ng pyrotechnics.

Inihayag din ng opis­yal na ‘zero injury’ sa pag­salubong sa Bagong Taon ang lungsod kung saan naging masaya at mapayapa ang pagdiriwang.

Nabatid na sa halip na paputok ay nagtoro­tot na lamang ang mga re­sidente, nag-videoke, street discos sa saliw ng sikat na tugtuging “Gangnam Style” at gumamit rin ng iba pang uri ng hindi mapaminsalang pampa­ingay.

AYON

BAGONG TAON

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE

DAVAO CITY POLICE DIRECTOR SR. SUPT

GANGNAM STYLE

INIHAYAG

NABATID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with