^

Police Metro

Karnaper patay sa shootout

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang hindi pa nakikilalang karnaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang itinatakas nito ang isang motorsiklo na kanyang ninakaw sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni  SPO2 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang nasawing suspek na nasa edad  35-40, 5’8-5’9 ang taas, nakasuot  ng kulay pink at white  stripes t-shirt at  gray na short pants.

Naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga  sa  Governor Center Drive malapit sa  panulukan ng P. Burgos Drive,  Ermita, Maynila.

Nabatid na basta na lamang sinakyan at pinaandar ng suspek ang nakaparadang motorsiklo  na  napuna ito ng mga naka-istambay na operatiba sa PCP Luneta subalit humarurot ito sa direksiyon ng  Taft Avenue.

Nagkataong may isinasagawang surveillance operation ang mga tauhan ni Senior Insp. Rolando Lorenzo, hepe  ng City Hall Public Assistance   nang makitang papatakas  ang suspek,  sakay ng  kulay blue na Yamaha Novo Mio  kaya pinara ito.

Sa halip na huminto, nagbunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis kaya nagkaroon ng palitan ng putok at running gun battle hanggang sa mapuruhan ng bala ang suspek na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

ERMITA

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

ROLANDO LORENZO

SENIOR INSP

TAFT AVENUE

YAMAHA NOVO MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with