Caloocan public hospital handa na sa magiging biktima ng paputok
MANILA, Philippines - Handang-handa na ang mga pampublikong pagamutan sa Caloocan City sa mga magiging biktima ng paputok at indiscriminate firing sa nalalapit na pagsalubong sa pagpasok ng 2013.
Ito ang tiniyak ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri dahil bukod sa mga gamot at kagamitan sa paggamot ay handang-handa na rin ang mga manggagamot na magsakripisyo ng kanilang oras sa pananatili sa mga pampublikong pagamutan para lamang makapagsilbi sa mga residenteng mangangailangan ng tulong.
Napag-alaman na bukod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) ay magbibigay din ng libreng serbisyo ang Dr. Jose Rodriguez Hospital na matatagpuan sa Tala, Caloocan para sa masasaktan sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Nagbabala rin si Mayor Recom sa mga tauhan ng lokal na pulisya na huwag paputukin ang kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon upang walang masaktan na minsan ay nagiging dahilan din ng pagbubuwis ng buhay.
Sa pamamagitan ng paglalagay ng masking tape na may lagda ng kanilang opisyal ay malalaman kung sino sa mga tauhan ng lokal na pulisya ang nagpaputok ng kanilang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.
- Latest