^

Police Metro

Sunog sa San Juan: 3 tupok

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong katao ang kum­pirmadong nasawi sa naganap na sunog noong araw ng Pasko na tumupok sa mahigit 500 kabahayan sa Barangay St. Joseph, San Juan City na ang pi­nag­simulan ng sunog ay pag­lalaro ng dalawang pas­lit ng posporo at naka­sinding kandila.

Ang mga nasawi ay ki­nilalang sina Wilfredo Dineros Jr., 54, residente ng #9-B Joeffrey St., kapatid ng barangay chairman na si Captain Nelly Duka na ang bangkay ay nadiskubre dakong alas-11:00 ng umaga kahapon sa loob ng banyo ng kanilang bahay; ang bulag na si Jose Marco, na na-trap sa sunog at Michael Muñoz na umano ay binugbog hanggang sa masawi.

Batay sa ulat ng Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan ng isang Francisco Baulite na matatagpuan sa Marne St. kung saan naglaro umano ng kandila ang magpinsang sina Simon Baulite at Edmelyn Robles bago matapos ang pagdiriwang ng Noche Buena ng kanilang pamilya.

Matatandaang dakong alas-2:25 ng madaling-araw nang maganap ang sunog at mabilis na ku­malat sa mga kalapit na bahay na pawang gawa lamang sa mga light mate­rials.

Inabot pa umano ng apat na oras bago tulu­yang naapula ang apoy na nagresulta sa pagkatupok ng bahay ng 1,000 pamilya at pagkasawi ng tatlong katao.

B JOEFFREY ST.

BARANGAY ST. JOSEPH

CAPTAIN NELLY DUKA

EDMELYN ROBLES

FIRE BUREAU

FRANCISCO BAULITE

JOSE MARCO

MARNE ST.

MICHAEL MU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with