2 ginang na nag-aabang sa waiting shed UTAS sa trak
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang ginang matapos na sila ay masalpok ng trak habang naghihintay ng masasakyan sa waiting shed sa tabi ng highway ng Kabankalan City, Negros Occidental, kamakalawa.
Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Helen Elmaco, 25-anyos at Mylen Nario, 34-anyos; pawang residente ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi ay naghihintay ng masasakyan sa waiting shed ang mga biktima nang bigla na lamang araruhin ang mga ito ng isang Fuzo truck (FDD 516 ) na may mga kargang tubo at minamaneho ni Ramil Fuentes, 23-anyos.
Nabatid na nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng truck matapos itong masiraan ng preno kaya’t inararo ang waiting shed na kung saan ay nandoon ang dalawang biktima.
Malubha din nasugatan ang driver na patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital.
- Latest