Pumatay sa binata, todas sa resbak
MANILA, Philippines - Agad na nakamit ng isang 18-anyos na binata ang hustisya sa kanyang pagkamatay matapos na resbakan at pinatay din ang suspek na pumatay sa kanya kamakalawa ng hapon sa Parola, Port Area, Maynila.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Ariel Borja alyas Yayi, ng Block 1, Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Ang itinuturong suspek ay nakilala sa alyas “Jaymar”, 25, ng Parola Compound, Binondo.
Batay sa ulat, dakong alas-2:50 ng hapon nitong Lunes ay naglalakad sa eskinita ng Gate 58 ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, na ilang oras ang nakakalipas bago binaril at napatay si Borja ay binaril at napatay din nito ang isang Mark John Rambuasa, 18-anyos na out of school youth sa nasabi ding lugar.
Base sa nakuhang impormasyon ng Homicide Section, ang biktima ay sangkot sa iba’t ibang kaso ng pamamaslang at kabilang ang nakabinbing kaso sa napatay nitong si Mark Aloba na nasa Manila RTC, Branch 28.
- Latest