^

Police Metro

Pinay nars sa Yemen dinukot, nasagip

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkalipas ng dalawang oras ay nasagip ng mga otoridad ang isang 20-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang nurse na dinukot sa Sanaa, Yemen.

Base sa report na na­ka­rating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang OFW na si  Annie Jones, nurse sa isang government hospital sa Sanaa, ang pinakama­laking syudad sa Yemen. 

Nabatid na agad na nagsagawa ng rescue ope­rations ang Sanaa security services at matapos ang dalawang oras na pagtangay kay Jones ay matagumpay siyang nailigtas kasabay ng pagkaka-aresto sa dalawang abductors.

Si Jones ay puwersahang kinaladkad umano pasakay sa isang sasakyan ng dalawang armadong lalaki sa Hadda Street sa Sanaa noong Linggo.

Mabilis na natunton ng mga awtoridad ang Suzuki Vitara na get-away vehicle ng mga abductors sa isang highway sa Sanaa sanhi ng pagkakadakip sa mga kidnaper at pagkakasagip sa Pinay.

Nabatid na ito na ang ikalawang kaso ng kidnapping sa mga dayuhan matapos lamang ang 48-oras sa nasabing rehiyon.

ANNIE JONES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HADDA STREET

LINGGO

MABILIS

NABATID

PAGKALIPAS

SANAA

SI JONES

SUZUKI VITARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with