3 bata natupok sa sunog
MANILA, Philippines - Malungkot ang pagsalubong ng Pasko ng isang pamilya matapos na masawi ang tatlong bata na nakulong sa nasusunog nilang bahay dahil sa napabayaang kandila kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ace Khervy Alejandre, 8; Wendy Bagapuno, 6; at Granson Bagapuno, 3; pawang residente ng F. Acab, Daang Bakal, Barangay 17 ng lungsod.
Nagtamo naman ng 3rd degree burn ang may-ari ng bahay na si Alberto Alejanre, 32 at dinala sa pagamutan.
Batay sa imbestigasyon ni SFO1 Benedicto Tudla, ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Caloocan City, naganap ang sunog dakong alas-9:12 ng gabi sa may ikalawang palapag na bahay na pag-aari ni Alejanre sa nabanggit na lugar.
Nabatud na mahimbing na natutulog ang mga bata nang magsimula ang sunog at hindi na nakalabas ng bahay ang mga ito.
- Latest