^

Police Metro

Car vs motor: 1 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ri­der  at sugatan naman ang angkas nito, makaraang mabundol ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang kotse sa kahabaan ng Kamuning Road, Quezon City, kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni PO2 Henry Luna ng Quezon City Po­­lice Traffic Sector 4 ang nasawi na si Melchor Casipi, 53, may-asawa, aircon technician na residente ng #43 Kabalitang St., Brgy. Krus na Ligas sa lungsod.

Sugatan naman si Rolando Nirza, 34, may-asa­wa ng #61 J. Francisco St., Brgy. Krus na ligas sa lungsod na ngayon ginagamot sa East Avenue Medical Center. Ayon kay PO2 Luna, naganap ang aksidente sa intersection ng Kamuning Road, at J. Erastian St., Ka­muning Quezon City ganap na alas-2:30 ng madaling-araw.

Sakay ng isang RAM Mc (2499PD) na motor ang mga biktima galing sa direksyon ng Tomas Morato Avenue, patawid sa J. Erastain St., patungo sa Edsa, habang ang RAV-4 (XMB-266) na minama­neho ni Maria Teresa Villegas ay ga­ling sa direksyon ng Scout Ybardolaza St., patawid ng Kamuning Road, patungo ng K-1st St., nang maganap ang aksidente.

Sa lakas ng banggaan ay sinasabing tumilapon ang dalawang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada.

Agad naman naisugod sa pagamutan ang dalawa pero nalagutan din ng hini­nga si Casipi.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in damage to pro­perty with  physical injury and homicide si Villegas.

 

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERASTAIN ST.

ERASTIAN ST.

FRANCISCO ST.

HENRY LUNA

KABALITANG ST.

KAMUNING ROAD

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with