^

Police Metro

2 taga city hall utas sa vendor

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang empleyado ng Pasig City hall ang nasawi at isa pa ang nasa malubhang kalagayan nang sila ay pagbabarilin habang nagsasagawa ng clearing operation sa mga illegal vendor sa Pasig Public Market, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang biktima na kapwa personnel ng Batas ng Ciudad Enforcement  Office (BCEO) ng Pasig City ay nakilalang sina Rey Martinada, 25, residente ng Centennial Road, Barangay Pinagbuhatan at Rommel Caiga, 39, ng Barangay Rosario sa lungsod.

Agad na nasawi ang dalawa bunsod ng tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ibat-ibang parte ng katawan habang nananatili namang nasa kritikal na kondisyon sa Pasig City General Hospital si Alma Lacy, 50, dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang mukha.

Nabatid mula kay P/Senior Supt. Mario Rariza, hepe ng Pasig City Police, ganap na alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen habang nagsasagawa ng night clearing operation ang mga biktima sa mga illegal vendor sa isang tiangge sa Pasig Public Market na makikita sa Barangay Palatiw sa lungsod.

Kaagad namang ipinag-utos ni Pasig City Mayor Bobby Eusebio sa mga awtoridad ang masusing imbestigasyon at agarang pagresolba sa pagkamatay nina Martinada at  Caiga.

“Hindi natin dapat palampasin ang mga ganitong pangyayari dahil ang ganitong insidente ng karahasan ay dapat panagutan ng mga gumawa nito, kahit sa pangkaraniwang mamamayan, lalo pa’t ang mga naging biktima ay mga public servant,” ani Mayor Eusebio.

Tiniyak din ng alkalde na pagkakalooban ng city government ng free service at burial benefits ang mga nasawing biktima at karagdagang financial assistance para sa kanilang pamilya.

vuukle comment

ALMA LACY

BARANGAY PALATIW

BARANGAY PINAGBUHATAN

BARANGAY ROSARIO

CENTENNIAL ROAD

CIUDAD ENFORCEMENT

MARIO RARIZA

PASIG CITY

PASIG PUBLIC MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with