Mga plywood na galing China nasabat
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon ang mga puslit na imported na plywood na nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyong piso sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.
Base sa ulat na natanggap ni Biazon, unang idineklarang “particle board” ang mga nasabing kontrabando na nakalagay sa loob ng dalawang forty-footer container vans.
Naghinala ang mga operatiba ng BoC kaya’t kanila itong ininspeksyon at dito na nadiskubre ang napakaraming plywood na nagmula sa Shandong, China na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.
Nabatid na tinangkang ipuslit ang nabanggit na mga kontrabando sa bansa, subalit nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa kanilang mga impormante na papasok sa Pilipinas ang nabanggit na mga kontrabando.
- Latest