Bebot binaril habang nagdiriwang ng kaarawan… araw ng pagsilang, araw ng kamatayan
MANILA, Philippines - Araw ng araw na pagsilang ng isang 24-anyos na babae ay naging araw din ng kanyang kamatayan matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki habang ipinagdiriwang ang kaarawan kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Rizal Medical Center, ay nakilalang si Renzi Navarro, mas kilala sa alyas na Karen, at residente ng
1262-Interior Quirino Avenue, San Dionisio, Parañaque City, bunsod
nang tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa pulisya na posibleng kakilala ng biktima ang suspek dahil bago ang krimen ay nakita pa umanong nag-uusap ang mga ito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa madilim na bahagi ng San Agustin St., sa Barangay Malinao, Pasig City ay kasama ng biktima at mga kaibigang sina
Christine Lazo at Leo Calingasan sa bahay ng huli sa San Agustin St.
sa Barangay Malinao, dakong alas-2:00 ng madaling-araw at nag-iinuman dahil ipinagdiriwang ang birthday ng una.
Makalipas ang halos isang oras at kalahati ay nagpasiya ang biktima at kaibigang si Lazo, na sunduin ang isa pa
nilang kaibigan na si Armando ‘Junior’ Eduenga na nakatira lang umano
sa nasabi rin barangay.
Pagdating naman nila sa bahay ni Junior ay tulog na ito kaya’t bumalik
na lamang ang bahay ni Calingasan.
Habang pabalik sa bahay ni Calingasan ay may kumausap na isang lalaki sa biktima sa isang madilim na eskinita.
Hinayaan lamang nina Calingasan na mag-usap ang dalawa sa pag-aakalang kaibigan ng biktima ang kausap. Nagulat na lang umano si Calingasan nang biglang makarinig
ng sunud-sunod na putok ng baril.
Nang tingnan ay nakita na duguang nakabulagta ang biktima kaya’t isinugod ito sa nasabing pagamutan, ngunit nasawi rin.
- Latest