Programang BRO sa Isabela matagumpay
MANILA, Philippines - Patuloy ang pag-ani ng tagumpay ang programang BRO sa agrikultura ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na isang hakbang para lalong magsipag ang mga magsasaka na isang pakinabang hindi lang sa probinsiya kundi maging sa buong bansa.
Sinabi Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III, mahigit sa isandaang libo ang nakikinabang sa BRO Agriculture program at ito ay ang mga magsasaka na dumaranas ng ibayong hirap sa tindi ng init ng araw,
perwisyong dulot ng ulan, pagbaha at mababang presyo ng mga aning pananim.
Sa ilalim ng BRO Agriculture program, naglaan ang lalawigan ng 200 milyong piso na pondo para makumpleto ang siyam na pakete ng benepisyo
na kailangang-kailangan ng mga magsasaka.
Ang BRO Agriculture program ay kinapapalooban ng Livelihood assistance for marginalized farmers, ayuda sa presyo, pantawid pamasahe program, paniguro sa pananim or crop insurance, college scholarship for sons and daughters of small farmers, provincial healthcare coverage, Philhealth benefits, life insurance at social security coverage.
Ang probinsiya ng Isabela ang numero uno sa rice and corn production kung saan nagkamit sila ng karangalan bilang Regional Gawad Saka Award at nag-iisang probinsiya sa Region 2 na nakapasok sa Top 10 provinces na may pinakamalaking produksyon ng palay at mais.
- Latest