^

Police Metro

NPA rebels, humihingi na rin ng relief goods

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maging ang mga rebel­deng New People’s Army (NPA) ay sumasama na rin sa libu-libong mga eva­cuees na kinakanlong sa mga evacuation center sa Compostela Valley at Davao Oriental para humingi  ng relief goods.

Sinabi ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief Brig Gen. Eduardo  Año na dumaranas na rin ng matinding pagkagutom ang mga NPA rebels sa mga lugar ng sinalanta ng bagyong Pablo kaya kaila­ngan nilang humalo sa mga evacuees para makahingi ng pagkain.

“We received information that the NPA rebels operating in areas hit by typhoon Pablo’s in Compostela Valley and Davao  Oriental have mixed  with the civilian evacuees”, sabi Año.

Samantala, nabatid mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 955 ang nare­rekober na bangkay habang nasa 841 pa ang nawawala sa mga biktima ni super typhoon Pablo na nanalasa sa Region XI noong Dis­yembre 4. Umaabot naman sa P16 bilyon ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura, agrikultura at mga pribadong ari-arian.

 

CHIEF BRIG GEN

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY AND DAVAO

DAVAO ORIENTAL

EDUARDO

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NEW PEOPLE

SAMANTALA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with