Pagbaha at landslides, banta sa Bicol
MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta sa Bicol region ang posibleng pagkakaroon ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng manaka-nakang malakas na pag-ulan na nararanasan sa lugar.
Binabalaan ng pamunuan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga taga Bicol na maging alerto sa ‘tail-end of the cold front’ na nararanasan sa Bicol region.
Bukod sa Bicol ay nakakaranasan din ng malalakas na pag-ulan ang Soccsksargen at Samar na posibleng magdudulot ng flash floods at landslides.
Ayon sa PAGASA makakaranas din ng mahinang mga pag-ulan ang Cagayan Valley at mga probinsiya ng Aurora at Quezon .
Makakaranas din ng panaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog pagkidlat at maulap na papawirin ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
- Latest