^

Police Metro

Gov. Espino ‘di sasantuhin ni Roxas sa jueteng expose

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi umano sasantuhin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas  sa isasagawang masusing imbestigasyon sa expose ng mga whistleblower laban kay Pangasinan Gover­nor Amado Espino Jr. na siya ang jueteng lord sa lalawigan na nagkakamal ng P10M kada buwan na aabot na sa halos P900M.

Ito ay base sa ibinulgar ni Mayor Ricardo Orduna ng Bugallon, Pangasinan at Brgy. Chairman Fernando Alimagno alyas Boy Bata, jueteng financier laban kay Espino.

Si Espino ay sinampahan na rin ni Orduna ng kasong plunder sa tanggapan ng Ombudsman.

Samantala, mariing pi­­nabulaanan naman ni Espino ang alegasyon ni Orduna ang kanyang pagkakasangkot sa jueteng at pamumulitika lamang ang akusasyon dahil sa  matagal na umanong nilang napatigil ang ilegal na jueteng sa kanilang lalawigan.

Aminado naman si Espino na pinalitan ng Jai-alai game of chance ang jueteng matapos bigyan ng permit ng ilang mayor ang Meridien Gaming
Corp., isang kumpanya na naka-base sa Sta. Ana, Cagayan at umanoypag-aari ni Charlie “Atong” Ang.

Ani Espino, si Ordu­na, na noon ay pa­ngu­­lo ng Pangasi­nan Ma­yors League, ang nagpakilala pa umano sa kanya kay Ang. Nakikiusap umano si Ang na
tulungan siya na makalapit sa mga mayor ng Pangasinan.

Inihayag din ni Espino na nakikipag-ugnayan na siya sa kanyang mga abugado para sa pagsasampa ng kasong libel at perjury laban kay Orduna.

 

vuukle comment

AMADO ESPINO JR.

ANI ESPINO

BOY BATA

CHAIRMAN FERNANDO ALIMAGNO

ESPINO

MAYOR RICARDO ORDUNA

MERIDIEN GAMING

ORDUNA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with