^

Police Metro

Mga nasawi kay Pablo aabot sa 2,000… evacuees nababaliw na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dumaranas ng ma­tinding depresyon at nawawala na rin sa katinuan ang mga biktima ng bagyong Pablo sa lalawigan ng Compostela Valley at Davao Oriental.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Benito Ramos, na ang matin­ding dagok at trauma na tumama sa mga residenteng nawalan ng mga ari-arian at namatayan ng mga mahal sa buhay ang dahilan ng mga depresyon.

Kaya’t umaksyon na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nasa 31 man team ang nagsisilbing mga stress debriefers at evacuations managers na ipinadala sa Davao Oriental at Compostella Valley.

Ang mga ito ay idi­neploy sa Baganga, Boston, Cateel; pawang mga bayan sa Davao Oriental na matinding sinalanta ng bagyong Pablo; New Bataan at Monkayo, sa Compostela Valley na siyang may pinakamataas na bilang ng mga evacuees na umaabot sa mahigit 800 katao.

Sa Compostela Valley ay nasa 9 ang isinasai­lalim sa stress debriefing habang sa Davao Oriental ay nasa anim na evacuees o kabuuang 15 katao.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 906 katao ang nasawi sa bagyo habang aabot rin sa 932 ang nawawala kaya’t posibleng umabot sa mahigit 2,000 ang nasawi, habang 2,660 ang sugatan at  nasa 202,068 pamilya na may katumbas na 854,984 katao ang naapektuhan ng kalamidad.

Magugunita na sa ilang mga evacuees rin na biktima ng hagupit ng bagyong Sendong noong Disyembre  2011 ang nasiraan ng bait o naba­liw sanhi ng  dinanas na depresyon at trauma.

 

vuukle comment

BAGANGA

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELLA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIRECTOR BENITO RAMOS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NEW BATAAN

SA COMPOSTELA VALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with