Ginang todas sa kuryente
MANILA, Philippines - Halos nasunog ang buong katawan at namatay noon din ang isang ginang matapos nitong aksidenteng mahawakan ang nakalaylay na kable ng kuryente kamakalawa sa Brgy. San Jose, Prosperidad, Agusan del Sur.
Ang nasawi ay kinilalang si Anabelle Bucton, 48, residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-11:00 ng umaga ay aksidente umanong nahawakan ng biktima ang nakalaylay na kable ng Agusan del Sur Electric Cooperative na napinsala ng bagyong Pablo.
Sa pahayag ng ilang nakasaksi, hindi umano napansin ng ginang ang mahigit isang linggo ng nakalaylay na kable ng kuryente.
- Latest