Tarlac Gov., 5 pa kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong graft ang isang private citizen laban kina Tarlac Gov.Victor Yap; provincial administrator Roberto Ventura; provincial treasurer Victoria Salvador; Administrative Assistant Celia Aquino; Provincial budget officer Lorenzo Macaraeg at Special Project Head Jess Navarro.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Jesus Ronaldo Espinoza kung saan inakusahan nito si Aquino at iba pa ng Violation of Section 3(e) at (F)of R.A 3019. Ayon kay Espinoza, Oktubre 5, 2012 pa niya isinampa ang naturang kaso laban sa mga opisyal ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa itong aksyon.
Sa ngayon, naghihintay na lamang si Espinoza ng resulta ng evaluation sa kaso upang agarang masuspinde ang naturang mga matataas na opisyal ng probinsiya.
- Latest