Hindi ako nakatulog sa pagsigaw niya kaya pinatay ko siya… nag-estafa ng p25.00 ginilitan
MANILA, Philippines - “Pinatay ko na siya upang hindi maulit pa ang ikalawang pag-estafa niya sa akin ng halagang P25.00.
Ito ang inamin ng 68-anyos na lolo sa pulisya matapos nitong gilitan sa leeg ang taxi driver na kanyang kapitbahay naganap kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ay nakilalang si Francisco Adina, 59, ng 1970 Obesis St., Pandacan.
Kusang loob na sumuko ang suspek na nakilalang si Aurelio La Madrid, runner sa tayang lotto at kapit-kwarto ng biktima.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Anthony Boncan, dakong alas-11:00 ng umaga habang may ginagawa ang biktima sa tapat ng kanilang bahay ay bigla na lamang itong sinugod ng suspek at sinaksak sa leeg.
Pagkasaksak ng suspek sa biktima ay sumuko agad ito kay Brgy. chairman Edmundo Tojon ng Brgy. 844, Zone 93, Pandacan.
Isinugod naman sa nasabing ospital ang biktima ng mga kaanak, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
“Hindi ako nakatulog sa pagsigaw niya kasi dalawang beses na niya akong inestafa, ng P25.00 siningil ko siya nung isang araw, sinigawan ako na binayaran na niya raw ako kahit hindi, kaya kinabukasan inunahan ko na siya at sinaksak ko sa leeg, baka makabunot pa kasi may baril
siya palaging sukbit,” anang suspek.
Inamin ng suspek na napasok na siya noong 1995 sa National Center for Mental Health. Nasa Bacolod umano ang kaniyang misis at nakikitira lamang sa kapatid.
- Latest