MANILA, Philippines - Niyanig kahapon ang ilang lalawigan sa Mindanao na may lakas na magnitude 5.8 lindol kahapon ng alas- 5:45 ng umaga.
Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang sentro ng lindol sa layong 65 kilometro timog-silangan ng Malita, Davao del Sur na may lalim na 32 kilometro at tectonic ang origin nito.
Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Mati, Davao Oriental habang Intensity 3 sa General Santos City; Digos City at Manay sa Davao Oriental, Intensity 2 naman sa Koronadal, South Cotabato.
Makaraan nito, nasundan naman ng pagyanig na may magnitude 2.4 ganap na alas-5:59 kahapon ng umaga sa Davao Oriental pagkatapos ay nakapagtala naman ng magnitude 3.5 na lindol ganap na alas-8:18 kahapon ng umaga sa nabanggit ding lugar na may lalim na 23 kilometro, mas mababaw kumpara sa 32 kilometro sa dalawang naunang pagyanig.
Intensity 3 naman ang naramdaman sa General Santos City; Digos City, Manay, Davao Oriental; Tagum, Davao Oriental; at Padada, Davao del Sur at Intensity 2 sa Koronadal, South Cotabato; Matalam, North Cotabato; Bislig City.