Ate inutas ng utol sa maling akala

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ng isang 39-anyos na lalaki ang kanyang 53-anyos na ate at manugang nito sa pag-aakalang siya ang pinag-uusapan ng mga ito kahapon ng umaga sa San Andres, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Efrenita Vistal, ng 2343 BMC Tower 2, Osmeña Highway, San Andres sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng ka­ta­wan.

Nasugatan naman sa braso ang manugang nitong si Marifiel Lopeno, 26, waitress.

Ang suspek na tuma­kas ay nakilalang si Jor­ge “Jekjek” Vistal, 39, jobless.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga ay nag­ku­kuwentuhan sina Efre­nita at Marifiel sa loob ng kanilang bahay nang duma­ting ang suspek na lasing sa alak.

Nakita ng suspek ang pagkukuwentuhan ng da­lawa na ikinagalit nito sa pag-aakalang siya ang pi­nag-uusapan kung kaya’t kumuha ito ng icepick at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang dalawa at nang bu­mulagta ay tuma­kas ang suspek.

Show comments