20 pamilya sa Makati nasunugan

MANILA, Philippines - Nasa 20 pamilya ang na­walan ng bahay mata­pos ang naganap na sunog kahapon ng umaga sa Gua­dalupe Viejo, Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-9:53 ng umaga nang unang sumiklab ang apoy sa isang bahay sa may J. P. Rizal Avenue at nadamay ang may 9 pang kabahayan at tumagal ng isang oras makaraang maapula dakong alas-10:55 na ng umaga.

Blangko pa naman ang mga tauhan ng Ma­ka­ti Fire Department sa pinag­mulan ng sunog ha­bang nagsasagawa pa ng “mop­ping operation” at wala na­mang naiulat na nasaktan sa insidente.

Show comments