^

Police Metro

Binata tigok sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang binata makaraang saksakin ng isang hindi pa kilalang magnanakaw na sinasabing nagalit dahil naistorbo sa tangkang panloloob nito sa isang tindahan sa Quezon City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Jefferson De Dios, 18, nakatira sa  #18 Dahlia St., Brgy. Pagasa sa lungsod.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa Norma St., sa Brgy. Pagasa, ganap na alas-3:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Efren Altarejos, kaibigan ng biktima, papauwi na sila nang makaramdam sila ng tawag ng kalikasan. Habang nagbabawas, napuna ni Altarejos ang isang lalaki sa madilim na bahagi ng nasabing lugar, malapit sa tindahan.

Nagpasya si Altarejos na tignan kung sino ang kahina-hinalang lalaki na nasa madilim na lugar gamit ang flashlight ng kanyang cellphone.

Paglapit ni Altajeros sa lalaki ay nakita niyang galit na galit ito at bumunot ng patalim kaya siya nagtatakbo pero naiwan si De Dios kaya siya ang pinagsasaksak ng suspek.

 

vuukle comment

ALTAREJOS

ANTHONY TEJERERO

BRGY

DAHLIA ST.

DE DIOS

EFREN ALTAREJOS

JEFFERSON DE DIOS

NORMA ST.

PAGASA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with