^

Police Metro

Lider ng ‘Ozamis Gang’ itinakas sa munti

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinakas ng tatlong armadong lalaki na nagpanggap na mga abogado ang lider ng ‘Ozamis Robbery Hold-up Gang’ sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Nabatid na dakong alas-6:20 ng umaga nang dumating ang tatlong lalaki sa Reception Diag­nostic Center sa West gate ng NBP at nagkunwaring mga abogado ng convicted inmate na si Ricky Cadavero “alyas Kambal” lider ng Ozamis Gang.

Habang kausap umano ng isa sa tatlong lalaki si Cadavero ay bigla naman tinutukan ng baril ang mga nagbabantay na prison  guard ng NBP na kasalukuyan nasa gate nang nasabing piitan at mabilis na itinakas sakay ng motorsiklo.

Nataranta umano ang mga prison  guard na pansamantalang hindi muna binanggit ang mga pangalan at walang nagawa dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Si Cadavero ang itinuturong nasa likod ng  Alabang Town Center robbery sa  Muntinlupa noong Setyembre 14  at nasa likod rin ng 17  beses na  pangho-hold-up  sa mga mall sa Metro Manila at mga karatig lalawigan kabilang  ang Robinson Metro East, Robinsons Galleria at Robinsons Novaliches, Robinson sa Dasmariñas at Landbank sa Quezon City noong 2008.

Matatandaan na si  Cadavero ay  dinakip ng mga tauhan ng SPD sa inuupahang bahay nito sa Cavite noong nakaraang taon kung saan nakum­piska sa kanya ang tatlong  bankbook na naglalaman ng P1.2 milyon, Mitsubishi Montero, Honda CR-V at Toyota Innova.

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

CADAVERO

METRO MANILA

MITSUBISHI MONTERO

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

OZAMIS GANG

OZAMIS ROBBERY HOLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with