Matapos komprontahin ng misis… Mister May mistress nagbaril sa ulo
MANILA, Philippines - Tila nakonsensiya ang isang mister sa ginagawa niyang pagtataksil sa kanyang misis nang komprontahin siya nito kung kaya’t nagbaril sa ulo kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Pasig City.
Ang biktima na patuloy na inoobserbahan sa Pasig City General Hospital dahil sa tama ng bala sa kanang sentido ay nakilalang si Jaime Macapigas, 21, residente ng Mangga Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan l.
Sa initial report ni SPO1 Lardy Ignacio, Pasig City Police-Criminal Investigation Unit, nabatid na dakong 11:30 ng gabi nang maganap ang pagbaril ng biktima sa loob ng kanilang inuupahang apartment sa Mangga Nagpayong.
Sa salaysay sa pulisya ni Aiza Macapigas, na nagkaroon sila ng pagtatalo ng mister matapos niya itong komprontahin tungkol sa isang babae na madalas nitong kausapin sa telepono.
Pagkatapos ang argumento ay natulog na ang misis sa kanilang kuwarto nang ilang minuto ay nakarinig ito ng putok ng baril at nang puntahan ang pinagmulan ng putok ay nakita ang asawa na duguang nakahandusay sa sahig kaya’t agad dinala sa pagamutan.
- Latest