MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang barangay chairman na si Silvino Lagrada, 64-anyos ng Brgy. Naahon, Sebaste, Antique matapos na saksakin ng anak nitong may diperensya sa pag-iisip na si Robert Lagrada, 28, naganap kahapon ng madaling-araw.
Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama.
Nabatid na kauuwi lamang sa kanilang bahay ang biktima galing sa pakikipagpulong sa kanilang mga ka-barangay nang bigla itong sugurin nang saksak ng anak.