Totoy napatay ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Isang 3-anyos na batang lalaki na nakilalang si John Lloyd Herrero ang nama­tay habang nilalapatan ng lunas sa St. Dominic Hos­pital makaraang aksi­dente itong mabundol ng kanyang kapitbahay sa Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Ang suspek na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Jennifer Busbus, 39, may-asawa, Administrative Clerk ng Philippine Airlines at nakatira sa Block 7, Lot 2, Casimiro Bay Town Vil­lage ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng hapon ay pinaandar ng suspek ang kanyang Hyundai Elantra na kulay pula at for registration plate at sa tapat ng kanyang bahay nang hindi nito ma­pansin ang bata na napu­ru­han sa ulo. Kasong reck­less imprudence resulting to homicide ang isinampa laban sa suspek.

Show comments