Totoy napatay ng kapitbahay
MANILA, Philippines - Isang 3-anyos na batang lalaki na nakilalang si John Lloyd Herrero ang namatay habang nilalapatan ng lunas sa St. Dominic Hospital makaraang aksidente itong mabundol ng kanyang kapitbahay sa Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite.
Ang suspek na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Jennifer Busbus, 39, may-asawa, Administrative Clerk ng Philippine Airlines at nakatira sa Block 7, Lot 2, Casimiro Bay Town Village ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng hapon ay pinaandar ng suspek ang kanyang Hyundai Elantra na kulay pula at for registration plate at sa tapat ng kanyang bahay nang hindi nito mapansin ang bata na napuruhan sa ulo. Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa laban sa suspek.
- Latest
- Trending