^

Police Metro

Mga ‘inosente’ nadamay sa Comelec ‘hit-list’ – Jack Enrile

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalagan ni Caga­yan 1st District Rep. Juan “Jack” C. Ponce Enrile, Jr. ang ginawang “pagmasaker” noong isang linggo ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan ng mga grupong kasali sa “party-list system” kung saan 37 sa mga ito ang tinanggal ng  poll body sa listahan.

“While everyone agree that it is about time to cleanse the party-list system of the rich and the powerful masquerading as ‘genuine’ representatives of our marginalized sectors, the Comelec’s effort leaves much to be desired and much to complain about.

“As it is, last week’s ‘massacre’ of the party-list rank includes the ‘guilty,’ those that raise suspicion and the ‘innocents’ as well,” ani Enrile sa kanyang pahayag sa media.

Sinabi pa ni Enrile na may batayan ang mga reklamo na hindi masinop at maayos ang ginagawang “pagpurga” ng Comelec sa listahan ng mga dapat sibakin at puwedeng tumakbo sa darating na halalan.

Partikular na tinukoy ni Enrile ang pagkasama ng ‘Butil Farmers Party’ sa listahan ng 37 party-list na big­lang napasok sa Comelec “hit list” bagaman kabilang na ito sa Kongreso sapul pa noong 1998 election.

Kasama ng Butil ang ‘Binhi’ (Partido ng Magsasaka para sa Magsasaka) sa mga representante ng ‘marginalized sector’ ng mga magsasaka na tinanggalan ng akreditasyon ng Come­lec noong isang linggo.

Nagbabala rin si Enrile na posibleng madiskaril ang superbisyon ng Comelec sa darating na eleksyon sa dami ng mga reklamong kinakaharap nito ngayon sa korte partikular na sa Korte Suprema.

 

BUTIL FARMERS PARTY

COMELEC

DISTRICT REP

ENRILE

KORTE SUPREMA

LSQUO

MAGSASAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with