SMI scholars, nanguna sa libong kumuha ng teacher licensure examination
MANILA, Philippines - Pinangunahan ng mga iskolar sa kolehiyo ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa South Cotabato na sina Christie Lou Carillo, 20, at Cristine Joy Tediong, 21, ang 32,798 iba pang kumuha ng pagsusulit ng 2012 Licensure Examination for Teachers (LET) para sa antas ng elementarya.
Kapwa nagtapos sa Notre Dame of Marbel University (NDMU) sa South Cotabato, No. 1 sa eksaminasyon si Carillo, samantalang No. 6 si Tediong sa mga nagsikuha ng examinations noong nakaraang Setyembre.
Ang SMI na kinontrata ng gobyerno para sa Tampakan copper-gold project sa South Cotabato ay sumuporta sa 12,872 estudyante sa pre-school, high school at kolehiyo para sa school year 2010- 2011.
Nagkaloob din ito ng karagdagang school supply assistance sa 15,557 estudyante at suporta sa suweldo ng 22 guro sa pampublikong paaralan bilang educational support program sa mga lalawigan ng South Cotabato, Davao del Sur, Sultan Kudarat at Sarangani. Sina Carillo at Tediong ay tumanggap ng full tuition scholarship at buwanang allowance mula sa SMI sa ikatlo at ikaapat na taon sa kolehiyo.
- Latest