^

Police Metro

Ibinawal sa mga bansang Europa naibebenta sa Divisoria… Toxic na xmas lights mabenta

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaya na naibebenta sa Divisoria ang mga Christmas lights na bag­sak ang pamantayan sa mga bansang Europa dahil sa panganib nito sa kalusugan.

Ito ang inihayag ni Anthony Dizon, coordi­na­tor ng EcoWaste Coa­li­tion matapos silang ma­ka­bili ng Christmas lights noong Nobyembre 22 na isinailalim nila sa pagsusuri. 

Sa limang sampol, natuklasan na lagpas sa 1,000 parts per million (ppm) limit ang sangkap na lead nito na bagsak sa pamantayan ng RoHS ng European Union at dalawa naman sa mga sampol ang may sangkap na cadimum na higit sa 100 ppm limit.

Wala ring label ng mga kemikal sa naturang mga produkto na dapat ay magsisilbing babala sa mga mamimili na na­kasasama sa kalusugan lalo na sa mga bata kung paglalaruan at maisusubo ang kamay na humawak sa Christmas lights.

Sinabi naman ni De­partment of Trade and Industry (DTI) Under­sec­retary Zenaida Mag­laya na dapat ay bilhin ang mga produktong pumasa sa International Commodity Clearance (ICC) standards.

 

ANTHONY DIZON

COA

DIVISORIA

EUROPEAN UNION

INTERNATIONAL COMMODITY CLEARANCE

SHY

TRADE AND INDUSTRY

ZENAIDA MAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with