6 hijackers huli sa MPD
MANILA, Philippines- Anim na hijacker kabilang ang isang pekeng kagawad ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at 7 iba pang sangkot sa pagbili ng hijacked steel at wire rods ang inaresto sa magkakasunod na follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).
Sa ulat ni MPD-Distict Police Intelligence Operation Unit chief, C/Insp. Daniel Buyao, isang ten wheeler truck na naglalaman ng tone-toneladang wire rods ang na-hijack noong Nobyembre 30 dakong alas-2:30 ng madaling-araw, sa Road 10 Vitas, Tondo, Maynila na pag-aari ng isang Mark Sy Lu ng Dynamic Lu-4M Services, sa 9th Avenue Grace Park Caloocan City.
Lulan ang mga wire rod ng 10-wheeler truck nang harangin umano ng mga suspek na pawang armado ng baril at patalim sa Road 10, Vitas, Tondo.
Iginapos ang driver na si Orlando Ramos, 31, at ang pahinanteng si Soreto Manguimba, 24, binusalan ang bibig at pinababa sa truck saka tinangay ang sasakayan.
Nang ireport sa MPD, agad inaksyunan ni Maj. Buyao at kamakalawa ng umaga ay nadakip ang mga suspek at ikanta ang lider nila na si Fritz Gerard Foquilane, 28, residente ng Sta. Cruz, Maynila.
Nang dakpin si Foquilane ay nakasuot pa ng complete uniform ng PNP-SAF subalit nang beripikahin ay nabatid na hindi siya tunay na awtoridad, inaresto rin ang 7-kataong bumili ng ‘hot item’.
- Latest