‘Solid North’ reresbak sa sin tax
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na reresbak ang mga botante na tinatawag na ‘solid north’ laban sa mga mambabatas na boboto ng pabor sa mataas na tax sa sigarilyo sa bicameral conference committee.
Sinabi ni Enrile may natanggap siyang impormasyon na ilang opisyal ng gobyerno ang naglo-lobby upang ibaba ang buwis sa alak at mas itaas ang buwis sa sigarilyo. “Makikita ninyo (ang block voting) kung papaano kami gumalaw, kung kami ay gagalaw,” ani Enrile.
Sinabi naman ng Philippine Tobacco Growers Association (PTGA), na titiyakin ng mga tobacco farmers at growers at kanilang pamilya na hindi makakatikim ng boto sa kanila ang mga reeleksiyunistang senador at mga kongresista na mas papaboran ang mataas na buwis sa sigarilyo.
Matatandaan na una ng nagbabala ang mga tobacco farmers na kanilang isi-zero vote ang mga reelectionist senators sa 2013 midterm elections na papabor sa napakataas na buwis sa lokal na sigarilyo. Nauna na ring nakiusap ang People’s Coalition Against Regressive Taxation (PCART) kay Pangulong Benigno Aquino III na i-veto ang sin tax bill kapalit ang kanilang suporta sa lahat ng kandidato na ieendorso nito lalo na sa mga tumatakbo bilang senador.
- Latest