Pangangasiwaan ni VM Joy B… one stop shop protection center itinatag
MANILA, Philippines - Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mangangasiwa sa itatayong one-stop-shop protection center na maglalaan ng medical, psychological, police at legal assistance sa mga biktima at survivors ng mga gender-based violence at mga pang aabuso sa mga kababaihan, kabataan gayundin sa mga tomboy, bakla, bisexuals at transgenders.
Ang naturang center ay itatayo sa bakanteng lote sa may QC General Hospital (QCGH) na magkakaroon ng isang reception area, counseling at psychotherapy room, medical examination room, interview at investigation room, isang database room at isang rest area na maglalaan ng ayuda sa mga nabibiktima ng mga pang aabuso.
Sa kanyang panig, sinabi ni Vice Mayor Belmonte na napapanahon ang paglikha sa naturang protection center upang mapaglaanan ng kalinga at tulong ang mga nabibiktima ng mga karahasan at pang aabuso sa lungsod.
Sinabi ni Belmonte na batay sa 2008 data mula sa National Statistics Office (NSO), may 20 percent ng mga kababaihan na may edad 15 hangang 49 anyos ay nakakaranas ng physical violence.
- Latest