^

Police Metro

Riding-in-tandem tumba sa checkpoint

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa isang checkpoint ang dalawang lalaki na umano ay mga holdaper na sakay ng isang motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan ang mga pulis sa katawan ng  dalawang napatay na suspek.

Batay sa ulat na natanggap ni Police chief, P/Supt. Arthur Masungsong, nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro sa tapat ng Pamantasan ng Montalban sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na naglatag ng checkpoint/chokepoint sa nasabing lugar ang mga pulis nang ma­pa­daan ang mga suspek na sakay ng motor­siklo na walang plaka.

Pinara ito ng mga pulis, subalit sa halip na huminto ay pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at nilagpasan ang checkpoint na kung saan ay pinaputukan ng angkas ang mga humahabol na pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nauwi sa ilang minutong shootout na ikinasawi ng dalawang  suspek.

vuukle comment

ARTHUR MASUNGSONG

BARANGAY SAN JOSE

BATAY

GUMANTI

KASIGLAHAN VILLAGE

MONTALBAN

NABATID

NAPATAY

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with