^

Police Metro

Patay na ginang umalingasawsa compartment ng kotse

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng isang babae ang natag­puan sa compartment ng kanyang kotse matapos na umali­ngasaw ang baho nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima ay kinila­lang si Marilou Jorge, 49, ng North Matrix Ville, Ca­marin ng lungsod ay na­tagpuan sa loob ng compartment ng Honda Civic (CTF-103) na nakagapos ng alambre ang mga kamay, nakadaster, walang bra, may suklob ng sako ang ulo at may sugat sa ulo na posibleng hinataw ng matigas na bagay.

Ayon sa pulisya, da­kong alas-10:30 ng gabi ay nakalanghap ng maba­hong amoy ang mga resi­dente sa lugar kung kaya’t hinanap nila ang pinang­gagalingan ng baho at dinala sila sa nasabing kotse na na­kaparada sa tapat ng bahay ng biktima.

Nang buksan ng mga barangay tanod ang compartment ng kotse ay tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima.

Ayon sa mga residente, noong Martes ng ma­da­ling-araw nang makita nila na pumarada ang kotse sa tapat ng bahay ng biktima.

 

 

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

HONDA CIVIC

ISANG

KOTSE

MARILOU JORGE

NANG

NORTH MATRIX VILLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with