^

Police Metro

Turistang pinay sa Cambodia utas sa bangga

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat ni Foreign Affairs Spokesman Asec. Raul Hernandez, na isang 26-anyos na turistang Pinay ang nasawi habang dalawang kasama nito ang nakaligtas matapos na salpukin ng isang ambulansiya ang kanilang sasakyan.

Tumanggi muna si Hernandez na tukuyin ang pangalan ng biktima hanggat hindi pa ito nakarating sa kanyang pamilya at kaanak sa Pilipinas.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas, umalis sa Pilipinas ang tatlong magkakasamang biktima at namasyal sa Bangkok noong Nobyembre 21 hanggang sa magkayayaan silang pumasyal sa bayan ng Siem Reap na dinadagsa ng mga turista noong Sabado, (Nobyembre 24) kung saan naganap ang banggaan.

Nabatid na lulan ang tatlong Pinoy tou­rist ng isang sasakyan pa­uwi na sa Bangkok mula sa pamamasyal sa Siem Reap nang biglang tumigil ang una­hang sasakyan na kanilang sinusundan kaya sinubukang ikabig ng driver ang manibela papunta sa kabilang lane upang iwasan na mabangga ito. 

Dahil sa pag-iwas ng sasakyan, hindi na rin nito nagawa pang umiwas sa isa pang humaharurot na ambulansya na naging sanhi para sila ay mabangga.

 

DAHIL

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN ASEC

HERNANDEZ

INIULAT

NABATID

NOBYEMBRE

PILIPINAS

RAUL HERNANDEZ

SIEM REAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with