^

Police Metro

Trader, mag-asawa niyari ng riding-in-tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang insidente ng pamamaril na kagagawan ng riding-in-tandem ang naitala na ikinasawi ng isang negosyante at sa isang mag-asawa na ikinasawi ng mister habang nasugatan ang misis nito naganap sa Surigao del Norte at South Cotabato.

Nasawi ang negosyanteng si Bernabe Imaden, 55, ng Brgy. Tambacan, San Isidro, Surigao del Norte dahil sa tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ng pulis­ya, bandang alas-4:30 ng hapon ay kasaluku­yang nasa bisinidad ng Brgy. Sto. Niño sa nasabing bayan ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na lulan ng Honda TMX motorcycle na walang plaka.

Pagtapat sa biktima ay agad itong pinagbabaril ng mga suspek gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Pinagbabaril din ng riding-in-tandem ang mag-asawang Rufino at Elenita Balatbat na ikinasawi ng lalaki at pagkasugat ng misis kamakalawa sa highway ng Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang mag-asawa  patungo sa palengke bandang alas-5:30 ng umaga nang sundan at pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa highway ng Poblacion ng bayang ito.

Ang biktima ay duguang tumilapon sa motorsiklo bunga ng insidente matapos matadtad ng mga tama ng bala sa katawan at ilang saglit ay mabilis namang tumakas ang mga suspek.

 

BATAY

BERNABE IMADEN

BRGY

DALAWANG

ELENITA BALATBAT

NASAWI

NORTE

SAN ISIDRO

SOUTH COTABATO

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with