^

Police Metro

Meralco hindi magre-refund sa mga kustomer

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals ang class suit na ini­hain ng ilang grupo ng consumers ng Meralco at iba pang respondents kaugnay ng refund sa kanilang mga binayarang nakunsumong kuryente matapos katigan ng Court of Appeals (CA) ang na­ging desisyon ng Makati Regional Trial Court (RTC) na nagbasura sa class suit.

Sa  18-pahinang kautusan na isinulat ni Associate Justice Agnes Reyes-Carpio na ipinalabas noong Nobyembre 15, 2012, ibinasura ng CA’s Eight Division ang inihaing apela ng  Equal Justice for All Movement na pinangunahan ni Leonardo de Vera  na sa hiling na ipawalangsaysay ng korte ang naunang desisyon ng Makati RTC kaugnay sa P13-bilyong refund na iligal umanong kinolekta ng Meralco sa consumers.

Maliban sa Meralco, sang­kot din sa kaso ang  Energy Re­gulatory Commission (ERC), National Power Corporation (Napocor) at iba pang respon­dents.

Una nang naghain ng “plea for a temporary restraining order (TRO) and a writ of pre­li­minary injunction”ang nabanggit na mga grupo upang hindi na magawa pang ipasa ng Meralco ang nasabing charges sa mga consumer.

Kabilang pa sa hiling ng grupo na atasan ng korte ang Meralco na pabuksan ang libro para sa auditing at  accounting na ibinasura din ng mababang korte kaya umakyat na sa CA.

Paliwanag ng CA, kahit may merito ang claim ng grupo na may karapatan sila sa class suit bilang kinatawan ng consumers, hindi naman umano sapat ang bilang ini­­haing manifestations sa paghahabol.

vuukle comment

ALL MOVEMENT

ASSOCIATE JUSTICE AGNES REYES-CARPIO

COURT OF APPEALS

EIGHT DIVISION

ENERGY RE

EQUAL JUSTICE

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MERALCO

NATIONAL POWER CORPORATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with