Most wanted sa Maynila, huli
MANILA, Philippines - Huli habang namamasada ng pedicab ang isang 52- anyos na mister na sinasabing number 3 most wanted sa Maynila ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Manila based.
Nakakulong ngayon sa CIDG detention cell ang suspek na si Danilo Borromeo, may-asawa, residente ng #14 Quezon St., Tondo, Maynila.
Si Danilo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalyn Mislos-Loja ng RTC Branch 41 kaugnay sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Bernardo Borromeo noong Oktubre 17, 2012.
Sa report ni Chief Insp Carlo Manuel, hepe ng Manila -CIDG, dakong alas-12:30 ng hapon nang arestuhin si Danilo habang nagmamaneho ng pedicab sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas habang namamasada ito sa kanyang pedicab sa kanto ng Carmen Planas at Lakandula Sts., sa Tondo.
Matapos umanong barilin at mapatay ng suspek ang biktima ay nagtago na ito subalit makalipas ang ilang buwan ay lumutang ito at muling namasada ng kanyang pedicab hanggang sa may nagnguso sa kaniya sa awtoridad.
- Latest