^

Police Metro

95 katutubong Lumad hinaHAras ng NPAs

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsilikas ang may 17 pamilya o nasa 95 na mga katutubong Lumad matapos pagbantaan ng mga nagpa­kilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na gumagala sa kanilang komunidad sa Brgy. Malabog, Davao City.

Sa report na nakarating sa Army’s 10th Infantry Division (ID), ang grupo ni Commander Leoncio Pitao na aktibong nag-oope­rate sa Davao Region ang nasa likod ng insidente.

Sa sumbong ng mga katutubong Lumad sa tropa ng militar, pinagbabantaan umano sila ng NPA rebels na lisanin ang lugar dahilan doon magdaraos ng kanilang ika-44 anibersaryo sa darating na Disyembre.

Ayon kay Datu Tresio Lumuyok, pinuno ng natu­rang tribo bunga ng matinding takot sa gumagalang grupo ni Pitao na nagbabanta sa mga ito ay napilitan ang mga pa­milyang Lumad na magsilikas sa kanilang mga tahanan.

Ang mga nagsilikas na residenteng Lumad ay mula sa Purok 26, Sitio Alon, Brgy. Malabog ay nagsipagtago sa Marilog District ng lungsod.

BRGY

COMMANDER LEONCIO PITAO

DATU TRESIO LUMUYOK

DAVAO CITY

DAVAO REGION

INFANTRY DIVISION

LUMAD

MALABOG

MARILOG DISTRICT

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with