2 nagpuslit ng P40-M kontrabando kinasuhan ng smuggling
MANILA, Philippines - Kasong smuggling ang isinampa sa Department of Justice ng Bureau of Customs laban sa isang negosyante at broker na nagpuslit ng mga poultry products na nagkakahalaga ng P40 milyon.
Ipinakita ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa DOJ ang mga dokumento para sa kasong kinakaharap nina Miguel Villamayor, may-ari ng Hexa Trader at broker nito na si Remedios Lopez.
Nabatid na nagtangkang magpuslit ng smuggled na peking ducks, manok, at piglets mula sa bansang China sina Villamayor at Lopez na nasabat ng mga tauhan ni Biazon sa Port of Manila noong Oct. 15, 2012. Muling binalaan ni Biazon, ang mga smugglers na kung hindi sila titigil ay isa-isa nila itong aarestuhin.
- Latest