TESDA graduates mabibigyan na ng college diploma
MANILA, Philippines - Makakakuha na rin ng college diploma ang mga nagtapos sa TESDA programs matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order 83 para sa institutionalization ng Philippine Qualifications Framework.
Ito ang inihayag ni TESDA Director-General Joel Villanueva at malaki anya ang tulong ng EO 83 hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa industriya na siyang kukuha sa mga graudates upang magtrabaho sa kanila.
Maglalabas naman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) hinggil sa EO 83 na siyang itatakda ng TESDA, DepEd, CHED at Philippine Regulatory Commission (PRC).
Sa kasalukuyang educational system ng bansa ay mayroon trifocized education management system partikular ang basic education, technical-vocational education at training and higher education.
Ipinaliwanag naman ni Villanueva, sa pinaka-simpleng salita ay madali nang matutukoy kung sino ang nagtapos ng House keeping sa TESDA at HRM sa kolehiyo.
Aniya, kung ang nagtapos ng house keeping sa TESDA ay nais na kumuha ng HRM sa kolehiyo upang magkaroon siya ng diploma ay magkakaroon dito ng assessment para mabatid kung ilan taon na lamang ang kanyang dapat kunin upang makatapos ng HRM sa kolehiyo kung saan ay puwedeng maging basehan din ang kanyang working experience bilang house keeping grad ng TESDA.
Idinagdag pa ni Villanueva, sa ilalim ng Philippine Qualification Framework ay mayroong partisipasyon din ang industriya kung saan ay ilalatag nila ang mga kailangan nilang kuwalipikasyon ng mga kailangan nila sa kanilang industriya.
- Latest