Lalaki sinalpok ng trak at taxi1
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos itong unang mabundol ng taxi habang tumatawid at pagbagsak sa kalsada ay nasagasaan ng 10-wheeler truck kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ang nasawi ay kinilalang si Mario Basa, residente sa Brgy. San Roque sa lungsod.
Batay sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw ay tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Edsa tapat ng Raymund Bus Terminal nang ito ay masalpok ng isang Sturdy taxi (UVB-566) na minamaneho ng isang Joel Fradejas, 44.
Sa lakas ng pagkabundol ay tumilapon ito at pagbagsak sa kalsada ay nasagasaan naman ng 10-wheeler truck (PMC-856) na minamaneho naman ng isang Ronald Dumdom, 23.
Ang dalawang driver ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.
- Latest