^

Police Metro

Magkapatid na paslit naabo sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos hindi na maki­lala ng mga magulang ang bangkay ng kanilang dalawang anak na paslit matapos itong matusta sa nasunog nilang bahay sa Basesco Compound, Port Area, Maynila ha­bang wala silang mag-asawa kasama ang isa pang anak sa Divi­soria naganap kaha­­pon ng madaling-araw.

Ang magkapatid ay kinilalang sina Roselyn, 4 at Raymond Buelbar Jr., 7, residente ng Block A, Gasangan, Baseco Compound, Port Area, May­nila.

Batay sa ulat, dakong  ala-1:30 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Cuelvar, habang naiwang natutulog ang magkapatid dahil ang mga magulang ay nagtitinda ng bawang sa Divisoria.

Sa salaysay ng ama ng dalawang bata na si Raymond Cuelvar Sr, nagtitinda sila ng ba­wang sa Divisoria nang magtungo ang isang ka­pitbahay sa kanilang pu­westo at ibalita na nasunog ang kanilang bahay.

Nagtataka si Cuelvar Sr. dahil sanay na sila na iwan ang mga anak at mayroon din umanong kuryente na hindi naman delikado tulad ng kandila.

May ilaw at naka­sin­ding bentilador nang iwan umano ang dalawa habang kasama nila ang 10-taong gulang na anak sa pagtitinda sa Divisoria at umuuwi sila tuwing alas-3:00 ng madaling-araw.

Patuloy pang iniim­bestigahan ang insidente dahil ang bahay lang ng mga Cuelvar ang nasu­nog.

 

 

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BASESCO COMPOUND

BLOCK A

CUELVAR

CUELVAR SR.

DIVISORIA

PORT AREA

RAYMOND BUELBAR JR.

RAYMOND CUELVAR SR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with